MENU
  • 1 of 10 Women's Month 2017
  • 2 of 10 PCUP National Planning 2017
  • 3 of 10 DDB and PCUP Meeting
  • 4 of 10 Kontra Droga - Legazpi
  • 5 of 10 UPSW 2016
  • 6 of 10 Urban Poor Summit 2016
  • 7 of 10 ICT Workshop
  • 8 of 10 CommPlan
  • 9 of 10 ISO Seminar 2016
  • 10 of 10 Kontra Droga 2016

 

Manuel L. Serra, Jr.
Commissioner
Presidential Commission for the Urban Poor

comm SerraSi Commissioner Manuel “Jun” L. Serra, Jr. ay nagtapos ng A.B. History sa University of the Visayas noong 1979 at nagkaroon ng malawak na karanasan sa pagpapatakbo ng iba’t ibang kompanya at industriya kung saan siya ay nanungkulan bilang supervisor, executive, director, manager at regional chairman. Isa dito ay sa lokal na pamahalaan ng Davao City kung saan siya ay nagsilbi bilang City Inspector Officer ng Demolition Office. Samantala, patungkol sa kanyang Non Government at Private work experiences, siya ay nahirang na Tribal Consultant ng Region XI Mindanao.

Aktibo siyang kalahok sa mga tribo at NGOs na kinabibilangan ng Mindanao Environmental Forum, DAGITAB Foundation, One People Mindanao, National Congress – NGO, Mandayan Tribal Association, TACDRUP – Technical Assistance Cultural Development Rural Urban Poor, at marami pang iba pa.

Maraming ring karangalan at pagkilala ang natamo ni Commissioner Serra tulad ng pagkakapanalo ng kaso sa Linihan Family Tenancy sa Davao Oriental at ang ang pagkaka award ng titulo ng lupa sa NORDIDA Association sa Sto., Tomas, Davao del Norte at ng Baganga Small Settlers sa Baganga, Davao Oriental.

Kabilang sa kanyang mga kasanayan ang Community Organizing, Project Proposals Management, Government Inter Agency Linkages, Capability Building Management, at Social Community Development na siya niyang dadalhin sa PCUP upang linangin ang kakayahan at itaas ang antas ng kabuhayan ng maralitang sektor ng lipunan.

(By Ronaldo A. Endaya at Flordeliza M. Santos, RPMD)