MENU
  • 1 of 10 Women's Month 2017
  • 2 of 10 PCUP National Planning 2017
  • 3 of 10 DDB and PCUP Meeting
  • 4 of 10 Kontra Droga - Legazpi
  • 5 of 10 UPSW 2016
  • 6 of 10 Urban Poor Summit 2016
  • 7 of 10 ICT Workshop
  • 8 of 10 CommPlan
  • 9 of 10 ISO Seminar 2016
  • 10 of 10 Kontra Droga 2016

 

Dr. Melissa Avanceña Aradanas
Commissioner
Presidential Commission for the Urban Poor

Comm.MaeSi Dr. Melissa Avanceña Aradanas ay nahirang bilang Commissioner ng PCUP nitong Agosto 8, 2016. Si Doc Mae, na siyang nakasanayang itawag sa kanya ng mga kaibigan, ay hindi na bago sa PCUP.  Siya ay naging bahagi ng Komisyon simula pa noong taong 1996 at naging kabilang sa staff ng Office of the Chairman mula ng siya ay natanggap.   Gayundin naging bahagi siya ng Special Operations Group (SOG) na siyang nangunguna sa paghahanda sa mga pagbisita ni dating Pangulong Erap Estrada sa mga lungsod at buong bansa.

Matapos ang anim (6) na taong pananatili sa PCUP Central Office, tinanggap niya ang hamon na maging Area Coordinator noong taong 2002.  Naitalaga siya sa mga lalawigan ng North Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat, at mga lungsod ng Kidapawan, Tacurong at Koronadal sa ilalim ng pangangasiwa ng Field Operations Division for Mindanao (PCUP-FODM) hanggang Agosto 7, 2016. 

Si Doc Mae ay nagtapos ng Preparatory Dentistry sa Ateneo de Davao University, habang ang kanyang Doctor of Dental Medicine degree naman ay sa Manila Central University.  Matagumpay niyang naipasa ang pagsusulit na ibinigay ng Board of Dentistry noong taong 1994.  Nakapagtapos din siya ng Bachelor of Laws sa Cor Jesu College of Law ng taong 2012 na naging malaking tulong sa kanyang mga gawain at angkop na paggabay sa mga maralitang kanyang pinaglingkuran sa nasasakupan niyang mga komunidad.

Bilang Commissioner, kanyang pangunahing pagtutuunan ng kaukulang pansin ang access to land and housing upang mabigyan ng kasiguruhan sa paninirahan ang mga maralita.  Layon din niyang isulong ang Magna Carta for the Urban Poor upang bigyang tugon ang matagal ng minimithi at ipinakikipaglaban ng mga maralita sa loob ng mahabang panahon.

Pagtutuunan din niya ng pansin ang mga reporma ukol sa panloob at panlabas na suliranin ng Komisyon at higit sa lahat ang pagsusulong ng mga pangunahing adhikain ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang lalong mapagbuti ang serbisyo para sa maralita.

(By Ronaldo A. Endaya & Flordeliza M. Santos, RPMD, 27 September 2016)